33,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
Tinatayang nasa 33,900 turista mula Pilipinas ang bumisita sa Japan nitong nakaraang Pebrero batay sa inilabas na paunang datos ng Japan National Tourism Organization (JNTO).
Ang bilang ay halos kasing dami ng mga turistang Pilipino na nagpunta sa Land of the Rising Sun bago ang pandemiya taong 2019.
Umabot sa 63,600 ang mga turista mula sa Southeast Asian nation ang bumisita sa Japan nitong Enero at Pebrero.
Samantala, nagtala naman ang Japan ng kabuuang 1,475,300 dayuhang turista na nagtungo sa bansa noong nakaraang buwan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan