今週の動画

¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS

Kinukunsidera ni Prime Minister Fumio Kishida ang pagbibigay ng 30,000 yen sa bawat low-income household bilang inflation relief.

Sinabi ni Keiichi Ishii, secretary-general ng Komeito, ang ruling coalition partner ng Liberal Democratic Party, na nagpakita si Kishida nang pagpayag na magbigay ng karagdagang 50,000 yen bawat bata sa mga sambahayan na nagpapalaki ng bata, saad sa ulat ng Jiji Press.

Dagdag pa sa ulat, una nang ipinakita ni LDP Policy Chief Koichi Hagiuda sa punong ministro ang mga halagang iyon ng cash handout para sa mga pamilyang may mababang kita.

Isinumite ng dalawa kay Kishida ang sariling mga panukala ng kanilang mga partido upang sugpuin ang epekto ng pagtaas ng presyo.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!