今週の動画

¥3.99-B NA LOST AND FOUND NA PERA, IPINAGKATIWALA NA SA TOKYO POLICE

Ipinagkatiwala na sa Metropolitan Police Department (MPD) ang ¥3.997 bilyon na lost and found na pera noong nakaraang taon, ang pinakamalaking halaga na naitala simula taong 1940.

Ayon sa The Yomiuri Shimbun, mas malaki ito ng ¥600 milyong yen kumpara noong 2021.

Umabot sa humigit-kumulang ¥34 milyong yen ang nakita sa isang kahon, ang pinakamalaki sa isang insidente na nai-rekord.

Samantala, nasa 3.71 milyong lost and misplaced items naman ang naipagkatiwala na sa mga pulis. Ilan sa pangkaraniwang bagay na nakita ay mga ID documents tulad ng driver’s license at insurance card.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!