今週の動画

1,732 MENOR DE EDAD, BIKTIMA NG MGA KRIMEN SA SOCIAL MEDIA NOONG 2022

Bumaba sa 1,732 ang kabuuang bilang ng mga menor de edad na biktima ng mga krimen gamit ang social media.

Ayon sa National Police Agency ng Japan, mas mababa ito ng 4.4 porsyento kumpara noong 2021.

Sa bilang na ito, 833 ang mga high school students, 718 ang nasa junior high school at 114 ang nasa elementarya, batay sa ulat ng Jiji Press.

Nasa 90 porsyento ng bilang ang may kinalaman sa paglabag sa batas sa child prostitution, pornograpiya at mga ordinansa sa juvenile protection na nagbabawal sa mga mahahalay na gawaing sekswal.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!