LIMANG ESSENTIAL RULES PARA MAIWASAN ANG COVID-19, INILABAS
Inilabas na ng mga miyembro ng health ministry coronavirus policy advisory committee ang limang mahahalagang tuntunin para makaiwas sa novel coronavirus.
Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, ito ay ang mga sumusunod: 1) Manatili sa bahay at magpagaling kung mayroong lagnat, pagtatae o iba pang sintomas ng COVID-19, at kumuha ng diagnosis mula sa isang institusyong medikal kung ikaw ay nasa mahinang pisikal na kondisyon. 2) Panatilihin ang wastong etiquette sa pagsusuot ng face mask at pag-ubo. 3) Iwasan ang “tatlong C” ng mga closed spaces, crowded places at close-contact settings. 4) Ugaliing maghugas ng kamay, siguraduhing gawin ito sa loob ng 20 hanggang 30 segundo bago kumain, pagkatapos gumamit ng banyo at pag-uwi ng bahay. 5) Panatilihin ang isang naaangkop na diet at antas ng ehersisyo upang mamuhay nang malusog.
Naglabas din ng advisory report ang komite na nagpapayo sa mga tao na alamin ang sitwasyon ng pandemiya sa kanilang lugar at magsagawa ng mga hakbang para makaiwas dito.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/11/15Isinasaalang-alang ang 30,000 yen para sa mga sambahayan na hindi napapailalim sa resident tax, 20,000 yen bawat bata, ngunit mataas na presyo
- News(Tagalog)2024/11/12Democratic Party for the People na magdaos ng unang tatlong-partidong pag-uusap sa LDP at Komeito sa mga hakbang sa ekonomiya… Ginagawa ni Tamaki ang “1.03 milyong yen na hadlang” na isyu bilang pangunahing prayoridad, humihiling din ng karagdagang suporta para sa pagtaas ng sahod
- News(Tagalog)2024/11/11Isinasaalang-alang ng gobyerno na ipagpatuloy ang mga subsidies sa kuryente at gas sa lalong madaling panahon, na hinuhusgahan na ang patuloy na mga subsidies ay mahalaga upang suportahan ang pananalapi ng sambahayan.
- News(Tagalog)2024/11/08Insurance sa pensiyon ng mga empleyado, mga part-time na manggagawa anuman ang taunang kita na sasalihan; “1.06 million yen barrier” ay aalisin, ngunit ang mga pasanin ay maaaring tumaas.