FACE MASK, PWEDENG ‘DI NA ISUOT SA MGA TREN NG JR EAST
Maaari nang hindi magsuot ng face mask ang mga pasahero sa loob ng mga tren ng East Japan Railway Co. simula ngayong araw, Marso 13.
Kasunod ito nang pag-anunsyo ng pamunuan ng tren noong Marso 7 na nag-aalis ng mandatory face mask policy sa loob ng mga tren dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa ulat ng Asahi Shimbun, posible pa rin na pakiusapan ng mga staff ng tren ang mga pasahero na makipag-usap nang mas tahimik o i-discourage ang pakikipag-usap tuwing rush hour bilang kortesiya sa ibang pasahero.
Ang JR East ay isa sa mga pangunahing railway companies sa Japan. Kabilang sa mga ruta nito ang Kanto at Tohoku regions.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”