‘JAL SMILE CAMPAIGN’ NG JAPAN AIRLINES, SUSPENDIDO
Inanunsiyo ng Japan Airlines ang suspensiyon ng kanilang “JAL Smile Campaign” Huwebes ng gabi. Ito ay matapos magkaroon ng aberya sa pagreserba at pagbili ng tickets sa kanilang website.
Ayon sa JAL, nagsimula ang problema Miyerkules ng hatinggabi bago ang paglulunsad ng kanilang kampanya nitong Huwebes.
“On March 9, 2023 at 0:00a.m., we started selling ‘JAL Smile Campaign’ for Domestic flights on our website, however, immediately after the launch, there had been some difficulties in connecting to the website. The problem was resolved at 6:37 pm on the same day,” pahayag ng kumpanya.
Dagdag ng carrier, ikakansela na nila ang kampanya para maresolba ang problema.
“In light of the fact that there is no prospect of restoration at this time, and this incident affects also the other customers, we regret to inform you that not only sale of the April and May flights that went on sale today, but also June flights that are scheduled to go on sale on March 12 will also be canceled,” aniya nila.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”