今週の動画

PINAKAMATAAS NA BILANG NG MGA KABATAANG ESTUDYANTE SA JAPAN NA NAG-SUICIDE, NAITALA

Umabot sa 512 ang kabuuang bilang ng mga elementary, junior at senior high school na mag-aaral ang nagpakamatay sa buong bansa noong nakaraang taon, ang pinakamataas na naitala, ayon sa Education, Culture, Sports, Science and Technology Ministry.

Sinabi sa ulat ng The Yomiuri Shimbun na nalampasan nito ang 499 na bilang na naitala noong 2020.

Kabilang sa mga kaso ng pagpapakamatay ang 17 elementary school students, 143 junior high school students at 352 high school students, base sa paunang tala.

Saad ng health ministry, pinakakaraniwang dahilan sa pagpapakamatay ay ang poor school performance.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!