IBA’T IBANG JAPANESE AIRLINES, NAG-AALOK NG SEAT SALE NGAYONG SPRING
Makakabili ng murang airline ticket papunta sa iba’t ibang domestic destinations sa Japan ang mga biyahero ngayong spring dahil sa seat sale promos ng mga airline companies.
Nagsasagawa ang Hokkaido-based carrier na Airdo Co. ng spring sale mula 6,500 yen para sa one-way fare sa mga domestic routes nito kabilang ang Tokyo, Sapporo at Fukuoka para sa biyahe mula Abril 1 hanggang 27.
Balak naman ng Japan Airlines (JAL) na mag-alok ng one-way seats sa halagang 6,600 yen mula Marso 9 hanggang 14 para sa lahat ng domestic routes nito para sa flights na aalis mula Abril 14 hanggang Hunyo 30.
Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, tila tumitindi umano ang kompetisyon sa airline industry habang papalapit ang Mayo 8 kung saan nakatakdang ibaba ng gobyerno sa class 5 ang COVID-19 tulad ng sa seasonal influenza sa ilalim ng infectious disease control law ng bansa.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/11/22Ang “Apple disease” ay umabot sa antas ng babala sa Tokyo, na may mga sintomas na parang sipon at pantal sa pisngi
- News(Tagalog)2024/11/18Apat na sunod-sunod na nakawan sa mga lansangan ng Yokohama at Machida, Tokyo, na ikinasugat ng dalawa. Isang grupo ng apat na tao sa dalawang motorsiklo, sa loob ng 7km radius sa loob lamang ng dalawang oras.
- News(Tagalog)2024/11/15Isinasaalang-alang ang 30,000 yen para sa mga sambahayan na hindi napapailalim sa resident tax, 20,000 yen bawat bata, ngunit mataas na presyo
- News(Tagalog)2024/11/12Democratic Party for the People na magdaos ng unang tatlong-partidong pag-uusap sa LDP at Komeito sa mga hakbang sa ekonomiya… Ginagawa ni Tamaki ang “1.03 milyong yen na hadlang” na isyu bilang pangunahing prayoridad, humihiling din ng karagdagang suporta para sa pagtaas ng sahod