EPEKTO NG INFLATION SOSOLUSYONAN
Inatasan ni Prime Minister Fumio Kishida ang Liberal Democratic Party at coalition partner nito na Komeito na isaalang-alang ang mga karagdagang hakbang upang mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng bilihin at serbisyo.
Saad sa ulat ng Jiji Press, binigyan ng lider ng Japan ang dalawang partido na magkaroon ng konklusyon ukol dito pagsapit ng Marso 17.
Madadagdag ang mga bagong hakbang sa komprehensibong economic package ng gobyerno na binuo noong Oktubre ng nakaraang taon kung saan kabilang ang subsidiya sa pagbabawas ng pasanin ng tumataas na singil sa kuryente at gas.
Sinabi naman ni Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno na posibleng pagkunan ng budget para rito ang reserve funds ng bansa.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”