¥10 MILYON NA NAPULOT SA BASURAHAN SA SAPPORO, INAANGKIN NG 12 TAO
Patuloy pa rin ang paghahanap ng Hokkaido prefectural police sa tunay na may-ari ng 10 milyong yen na nakita sa isang recycable garbage collection facility sa Sapporo kasunod nang pag-angkin ng 12 katao rito.
Ayon sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, nakita ang pera kasama ang mga papel na nakolekta sa Nishi at Teine wards noong Enero 30.
Sa 12 katao na umaangkin sa pera, siyam ang pormal na nagsumite ng lost of property report. Masusing aalamin ng mga pulis kung sino ang tunay na may-ari ng pera at kung hindi ito matatagpuan hanggang Abril 30 ay mapupunta ito sa lungsod.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”