今週の動画

JAPAN EMPLOYMENT SUBSIDIES MATATAPOS NA SA MARSO

Plano ng labor ministry na tapusin na ang pagbibigay ng COVID-19 employment adjustment subsidies simula katapusan ng Marso.

Sa ulat ng Jiji Press, bunsod umano ito ng bumubuting employment situation sa bansa.

Sa ilalim ng employment adjustment subsidy program, binabayaran ng gobyerno ang bahagi ng mga allowance na ibinabayad ng mga kumpanya sa mga manggagawang naka-leave. Sakop nito ang two-thirds ng mga allowance sa maliliit na negosyo at kalahati naman ng mga nasa malalaking kumpanya, hanggang sa 8,355 yen bawat manggagawa bawat araw.

Nagtapos noong Enero ang iba pang COVID-19-related measures para sa mga manggagawa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!