今週の動画

TAAS SA SINGIL SA KURYENTE NG LIMANG POWER COMPANIES SA JAPAN, MAAANTALA

Inaasahang maaantala ng isang buwan o higit pa ang planong taas sa singil sa kuryente sa Abril ng limang regional power companies sa bansa dahil pinag-aaralan pa ng gobyerno ang kanilang mga aplikasyon.

Ito ay ang Tohoku Electric Power Co., Hokuriku Electric Power Co., Chugoku Electric Power Co., Shikoku Electric Power Co. at Okinawa Electric Power Co.

Saad sa ulat ng Jiji Press, ipinag-utos ni Prime Minister Fumio Kishida kay Industry Minister Yasutoshi Nishimura ang pagsasagawa ng mahigpit at maingat na pagsusuri sa mga aplikasyon.

Nagsumite ng aplikasyon ang limang kumpanya para itaas ang kanilang singil sa kuryente ng humigit-kumulang 28 hanggang 45 porsyento.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!