DAGDAG-SWELDO PARA SA PART-TIME, CONTRACT WORKERS SA JAPAN, MAGIGING MAHIRAP
Hindi magiging madali para sa mga part-time at contract workers sa Japan ang hilingin sa mga kumpanya ang taas-sahod sa pagsisimula ng bagong fiscal year sa Abril 1.
Base sa internet survey na isinagawa ng isang pribadong research firm kamakailan, 55.7 porsyento lamang sa 3,184 respondents mula sa halos 4,500 kumpanya ang nagsabi na magbibigay sila ng dagdag-sweldo sa mga hindi full-time na empleyado, ayon sa ulat ng NHK World-Japan.
Sa mga kumpanya na sang-ayon sa taas-sahod, 74.3 porsyento ang nagsabing nais nilang makakuha ng sapat na mga manggagawa. Para sa 44.5 porsyento, ang dahilan ay upang makasabay sa minimum wage hikes, habang 28.6 porsyento naman ang nagsabing nais nilang palakasin ang pagiging produktibo ng mga empleyado.
Nasa humigit-kumulang 40 porsyento ng kabuuang workforce ng bansa ang mga part-timers at contractual employees.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”