今週の動画

SHUTTERS, GATES ILALAGAY SA 65 TOKYO SUBWAY STATIONS KONTRA BAHA

Balak ng Tokyo Metropolitan Government (TMG) na maglagay ng shutters at gates sa entrance ng 65 subway stations sa lungsod pagdating ng kalagitnaan ng taong 2040s upang mapigilan ang pag-agos ng tubig-baha sa mga lagusan.

Nangangamba ang mga opisyal ng TMG sa posibilidad nang pagkakaroon ng malubhang pinsala dulot ng baha sa mga lungsod dahil na rin sa pagdalas ng malalakas na bagyo sa bansa, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Aniya nila, maaaring lumubog ang mahigit sa 60 kilometro ng subway tunnels na katumbas ng humigit-kumulang 60 porsyento ng lahat ng subway lines na ino-operate ng pamahalaang lungsod.

Sinabi rin ng mga opisyal na ang mga hakbang na kanilang isasagawa ay makakatulong para mabawasan ang lugar ng mga binabahang subway tunnel.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!