AYUDA PARA SA CHILD CARE SUPPORT, PINAGHAHANDAAN NA NG LOCAL GOVERNMENTS
Pinaghahandaan na ng mga lokal na pamahalaan sa Japan ang kanilang mga hakbang na isasagawa kaugnay ng child care support sa ilalim ng kanilang mga budget para sa fiscal 2023 na magsisimula sa Abril 1.
Sa ulat ng Jiji Press, plano ng Gifu Prefectural Government na simulan ang pagbibigay ng 100,000 yen bilang childbirth benefits para sa pangalawa at kasunod na mga anak.
Habang nauna nang inanunsyo ni Tokyo Governor Yuriko Koike noong nakaraan buwan ang kanilang balak na pamimigay ng 5,000 yen kada buwan sa lahat ng bata sa lungsod edad 18 pababa.
Matatandaang inanunsyo ni Prime Minister Fumio Kishida ang programa dahil sa patuloy na pagbaba ng birth rate sa bansa.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”