10% DAGDAG SA SAHOD HIHILINGIN NG MGA ‘DI REGULAR NA MANGGAGAWA SA JAPAN
Balak ng mga miyembro ng 16 na labor union sa bansa na humingi ng 10 porsyentong dagdag sa sweldo mula sa 33 kumpanya na kanilang pinagtatrabahuhan sa darating na spring.
Nirereklamo umano ng mga grupo ang kawalan ng benepisyo ng mga ‘di regular na manggagawa na makakatulong sana upang makayanan ang epektong dulot ng mataas na presyo ng mga bilihin pati na rin ang pagbawas ng mga employer sa mga pasahod, saad sa ulat ng NHK World-Japan.
Sa tala ng internal affairs ministry, mayroong humigit-kumulang sa 21 milyon ang mga ‘di regular na manggagawa noong 2022 na katumbas ng 36.9 poryento ng kabuuang bilang ng mga manggagawa sa bansa.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”