今週の動画

HALOS 30,000 TURISTA MULA PILIPINAS BUMISITA SA JAPAN NOONG ENERO

Tinatayang nasa 29,700 turista mula sa Pilipinas ang bumisita sa Japan noong nakaraang Enero, ayon sa paunang ulat na inilabas ng Japan National Tourism Organization (JNTO) noong Miyerkules.

Ayon sa ulat ng Filipino-Japanese Journal, ito ay katumbas ng 82.5 porsyento ng bilang na naitala sa parehong buwan noong pre-pandemic na taon ng 2019.

Nasa humigit-kumulang naman 1,497,300 dayuhang turista ang dumating sa bansa noong nakaraang buwan o 55.7 porsyento ng bilang na naitala apat na taon na ang nakakaraan.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming bilang ng mga dayuhang bisita ay ang South Korea na nagtala ng 565,200. Sinundan ito ng Taiwan na may 259,300, Hong Kong na may 151,900, United States na may 88,100 at 63,400 mula naman sa Thailand.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!