PAGMOMONITOR SA MGA MAPINSALANG POSTS SA INTERNET PAIIGTINGIN NG KAPULISAN
Palalakasin ng National Police Agency (NPA) ng Japan ang pagmomonitor sa mga impormasyon na pino-post sa internet kasunod ng serye ng nakawan na naganap sa bansa kamakailan kung saan ang mga suspek ay na-recruit sa social media sites.
Batay sa ulat ng NHK World-Japan, mas pinalawak ng cyber patrol center ng NPA ang sakop ng mga online posts na itinuturing na nakakapinsala kung saan kabilang ang mga trabahong alok tulad ng pagnanakaw at pagpatay pati na rin ang paggawa ng baril at pasabog.
Plano rin ng kapulisan na makipagtulungan sa publiko sa pamamagitan nang pagtanggap ng mga tips mula sa kanila.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan