CHERRY BLOSSOMS SA TOKYO MAGSISIMULANG MAMULAKLAK SA MARSO 21
Mag-uumpisa nang mamulaklak ang cherry blossoms o sakura sa Tokyo simula Marso 21 habang sa Marso 29 naman ang inaasahang pag-full bloom nito, ayon sa pinakabagong forecast na inilabas ng Japan Meteorological Corp. (JMC).
Ayon sa ulat ng The Japan Times, mas mataas kesa pangkaraniwan ang mararanasang temperatura sa siyudad ngayong Pebrero at sa darating na Marso na dahilan ng mas maagang pamumulaklak ng mga sakura.
Inaasahan naman na magsisimulang mamulaklak ang mga ito sa Marso 28 sa Osaka habang sa Abril 4 naman ang full bloom nito.Sa Abril 1 naman ang full bloom nito sa Fukuoka, Abril 2 sa Nagoya, Abril 3 sa Kyoto, Abril 4 sa Hiroshima, Abril 9 sa Kagoshima, Abril 11 sa Nagano at Mayo 2 sa Sapporo.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”