今週の動画

GOBYERNO PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO NGAYONG PANAHON NG CEDAR POLLEN

Nagbabala ang Tokyo Metropolitan Government sa publiko nang pagsisimula ng cedar pollen season matapos na lumagpas sa inaasahang bilang ang pollen sa mga lungsod ng Ome, Tama at Tachikawa at ilan pang lugar.

Sa ulat ng NHK World-Japan, pinag-iingat ng gobyerno ang publiko sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at salamin sa mata.

Limang araw na mas maaga nagsimula ang cedar pollen season at inaasahan na mas marami ng 2.7 beses ang dami ng cypress pollen ngayong taon kumpara noong 2022.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!