今週の動画

82.8% NG MGA KABABAIHAN SA JAPAN AYAW MAGBIGAY NG ‘GIRI CHOKO’ SA VALENTINE’S DAY – SURVEY

Lumabas sa survey na isinagawa ng Intage Inc., isang research firm, na 82.8 porsyento ng mga kababaihan ang ayaw ng magbigay ng tsokolate sa kanilang mga kasamahan sa trabaho ngayong darating na Valentine’s Day.

Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, isinagawa ng Intage ang online survey sa 2,633 kababaihan at kalalakihan na nasa edad 15 pataas nitong Enero. Sa survey, nasa 75.4 porsyento ng mga kababaihan na nasa edad 20 hanggang 70 ang ayaw magbigay ng tsokolate habang nasa 8.2 porsyento naman ang nagsabing magbibigay pa rin sila.

Nasa 61.4 porsyento naman ng mga kalalakihan na nasa edad 40s ang hindi masaya na makatanggap ng tsokolate habang karamihan ng nasa edad 20s ay nais makatanggap ng mga tsokolate.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!