JMA, NAGBABALA NG MALAKAS NA PAG-ULAN NG SNOW SA PEBRERO 10
Nagbabala ang Japan Meteorological Agency (JMA) ng malakas na pag-ulan ng snow sa Pebrero 10 partikular na sa Kanto-Koshin region bunsod ng namumuong habagat.
Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, magbababa ng snow warning ang JMA sa mga prepektura ng Tokyo, Nagano, Gunma, Saitama, Ibaraki, Tochigi, Chiba, Kanagawa at Yamanashi sakaling mas bumaba ang temperatura sa inaasahan at humaba ang oras nang pagbagsak ng snow.
Malakas na pagbagsak ng snow ang inaasahan sa Tama region ng Tokyo kung saan 23 wards ang maaapektuhan nito. Nanawagan ang JMA sa publiko na mag-ingat at asahan ang mabagal na daloy ng trapiko.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan