今週の動画

LIBRENG PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19 MAGTATAPOS NGAYONG MARSO

Nakatakdang magtapos sa Marso, sa ilalim ng Immunization Act, ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra COVID-19 ng gobyerno ng Japan.

Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, sinabi umano ng health ministry na magkakaroon ng bagong pulisiya tungkol sa COVID-19 sa Marso. Subalit, iginiit ng tanggapan na magpapatuloy ang pagbibigay ng libreng bakuna pagdating ng Abril.

Sa pulisiya ng bansa, maaaring tumanggap ng hanggang limang bakuna ang mga matatanda habang apat na bakuna naman sa mga nasa edad 12 pataas. Una pa rin binibigyan ng bakuna ang mga matatanda at mga may sakit.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!