今週の動画

BBM BIBISITA SA JAPAN MULA PEBRERO 8-12

 

Opisyal na bibisita sa Japan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. simula Pebrero 8 hanggang 12 ayon sa Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Japan.

Sa ulat ng Filipino-Japanese Journal, makikipagpulong si Marcos Jr. kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida at makikipagkita rin kina Emperor Naruhito at Empress Masako.

Layon ng pagbisita ng pangulo na paigtingin ang bilateral cooperation sa pagitan ng Japan at Pilipinas. Bukod dito, nakatakda rin pumirma ang dalawang bansa ng pitong kasunduan sa pagbisita ni Marcos Jr. gayon din ang pakikipagkita nito sa Filipino community sa Japan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!