MGA KANDADO AT IBA PANG SECURITY ITEMS MABILI SA JAPAN DAHIL SA MGA NAKAWAN
Tumataas ang bilang ng mga bumibili ng kandado at iba pang security items dahil sa nagaganap na nakawan sa mga kabahayan sa iba’t ibang lugar sa Japan.
Sa ulat ng Jiji Press, apat na beses na tumaas ang benta ng isang outlet ng Kohnan Shoji Co. sa Koyo Fukagawa, isang hardware store sa Koyo Ward ng Tokyo, matapos na pagnakawan ang bahay ng 90-taong-gulang na residente, na pinaslang din ng mga suspek.
Karamihan umano sa mga bumibili ay mga matatanda kung saan kabilang sa mga produktong binibili ay ang window films at auxiliary locks na ginagamit upang hindi makapasok sa mga bintana ang mga magnanakaw.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan