今週の動画

21.1 MILYON TURISTA INAASAHAN BIBISITA SA JAPAN NGAYONG 2023

Papatak sa 21.1 milyon turista ang inaasahang bibisita sa Japan ngayong taon matapos na muling magbukas ang bansa ng border noong nakaraang Oktubre. Sa pag-aaral ng JTB Corp., tataas ng 450 porsyento ang turismo ngayong taon.

Sa ulat ng Yomiuri Shimbun, sinabi ng JTB na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga turista na nagbabakasyon sa Japan partikular na ang mga mula sa South Korea, Thailand at Singapore.

Nakikita rin ng JTB na tataas ng 8.6 porsyento sa 266 milyon ang lokal na turismo sa bansa na halos 90 porsyento ng bilang noong 2019. Inaasahan na 8.4 milyon katao naman ang mangingibang-bansa, mas mataas ng 190 porsyento kumpara noong 2022.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!