今週の動画

KULANG SA PASAHOD DINADAING NG MGA CARE SERVICE WORKERS

 

Lumabas sa isinagawang survey ng Nippon Careservice Craft Union na 41.5 porsyento ng mga care service workers ay dismayado sa kanilang sinasahod habang nasa 20.9 porsyento naman ang sobrang dismayado. Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, 44.3 porsyento ng 2,100 respondents ang nagsabi na kulang ang kanilang sahod sa dami ng kanilang ginagawa habang nasa 40.9 porsyento naman ang naniniwalang mas mababa ang kanilang sahod kumpara sa karaniwang sinasahod ng mga manggagawa. Pumatak sa 261,018 yen kada buwan ang karaniwang sahod ng mga respondents noong 2022.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!