BAGONG HOTEL AT SHOPPING CENTER NA KONEKTADO SA HANEDA AIRPORT, BUKAS NA
Pormal nang nagbukas sa publiko ang Haneda Airport Garden, ang pinakabagong shopping at hotel complex na konektado sa Haneda Airport Terminal 3 sa Tokyo, ngayong araw, Enero 31.
Ilan sa mga features ng bagong commercial facility na ito ay ang hotel sa loob nito na may 1,717 na kwarto, humigit-kumulang sa 90 shops kung saan kabilang ang iba’t ibang popular na restaurants at specialty stores kung saan makakabili ng mga Japanese goods at travel items, at natural hot spring kung saan makikita ang Mt. Fuji.
Mayroon din event halls at conference rooms dito pati na rin bus terminal kung saan maaaring sumakay patungo sa iba’t ibang lugar sa Japan.
Isinagawa ng Sumitomo Realty & Development Co. ang development ng pasilidad na nakatakda sanang magbukas bago ang Tokyo 2020 Olympics and Paralympics ngunit ipinagpaliban dahil sa COVID-19 pandemic.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan