DAYUHANG MANGGAGAWA SA JAPAN PUMATAK SA 1.82M NOONG 2022; MGA PINOY, PANGATLO SA PINAKAMARAMI
Umabot sa 1,822,725 ang bilang ng mga dayuhang manggagawa sa Japan noong 2022, mas mataas ng 5.5 porsyento kumpara noong sinundang taon.
Sa ulat ng Filipino-Japanese Journal (FJJ), pumangatlo sa pinakamalaking grupo na nagtatrabaho sa Japan ang mga Pilipino na nasa 206,050 batay sa impormasyon na inilabas ng gobyerno. Nanguna naman ang mga Vietnamese na nasa 462,384 at pumangalawa naman ang mga Chinese na nasa 385,848.
Sa kabuuang bilang, tumaas sa 21.7 porsyento ang bilang ng mga dayuhang manggagawa na nabigyan ng visa para sa specialized at technical fields habang bumaba naman sa 2.4 porsyento ang mga nabigyan ng technical intern trainee visas.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan