ITINUTURONG MASTERMIND NG MGA KASO NG PAGNANAKAW SA JAPAN HINIHINALANG NAGTATAGO SA PILIPINAS
Hinihinalang kasalukuyang nagtatago sa Pilipinas ang itinuturong mastermind ng mga nakawan sa Japan simula noong nakaraang taon batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad.
Sa ulat ng Kyodo News, hindi pinangalanan ang mastermind ngunit pinaniniwalaan na nagpaplano at nag-uutos itong magnakaw sa ilang online groups. Isa na umano rito ay ang pagnanakaw sa bahay ng pinaslang na 90-taong-gulang na si Kinuyo Oshio sa Komae, Tokyo.
Ginagamit umano nito ang pangalang “Luffy” sa social media kung saan nagre-recruit din ito ng mga tao para sa gagawing pagnanakaw.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan