TANGGAPAN PARA SA MGA KABABAIHAN NA INAABUSO O MAY PROBLEMA, BUBUKSAN NG GOBYERNO NG JAPAN
Bubuksan ng welfare ministry ng Japan ang isang opisina sa darating na Abril na may layon na makapagbigay ng suporta sa mga kababaihan sa Japan na nahaharap sa pang-aabuso, kawalan ng pagkakakitaan, at iba pang problema.
Sa ulat ng Kyodo News, magkakaroon ng 10 staff ang naturang opisina na partikular na tutulong at tatalakay sa mga pinagdadaanan ng mga kababaihan. Sinasabing tumataas na ang bilang ng mga kababaihan na nagiging biktima ng sexual exploitation at napipilitang pumasok sa industriya ng adult film.
Nagpasa ng bill ang parliament noong nakaraang taon na nananawagan sa pagbibigay ng suporta sa mga kababaihan na may mga pinagdadaanan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng gobyerno sa lokal na pamahalaan, nonprofit organizations at iba pang grupo.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan