今週の動画

SMARTPHONES, PWEDENG MASIRA NGAYONG TAGLAMIG

 

Matapos magbabala ang Japanese weather officials sa parating na malamig na panahon at malakas na pagbagsak ng snow, nagpaalala rin ang ilang eksperto na ingatan ang smartphones na maaaring masira dahil sa lamig.

Sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng isang mobile repair shop sa Tokyo na tumataas ang bilang ng mga nagpapagawa ng kanilang smartphones tuwing taglamig dahil sa mabilis na pagbabago ng temperatura at condensation.

Kapag may condensation, nagkakaroon ng tubig sa loob ng phone na nakakasira sa metal na bahagi nito at nagiging sanhi ng pagkawala ng data. Payo nila na ilagay sa loob ng bag o bulsa ang smartphone para maiwasan ang exposure sa sobrang lamig.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!