今週の動画

TEPCO PLANONG MAGTAAS NG SINGIL NG KURYENTE SA HUNYO

Plano ng Tokyo Electric Power Company Holdings Inc. (TEPCO) na magtaas ng singil sa kuryente na aabot sa 29.31 porsyento para sa regulated electricity rates sa darating na Hunyo. Ito ay upang mapaganda ang kanilang operasyon na labis na naapektuhan ng tumataas na presyo ng langis.

Sa ulat ng Jiji Press, nagsumite na ng aplikasyon ang kumpanya sa industry ministry. Kapag naaprubahan ng gobyerno, maaaring tumaas ng ¥2,611 na mula ¥9,126 ay magiging ¥11,737 ang bill ng isang kabahayan na gumagamit ng 260-kilowatt-hours.

Ito ang unang pagkakataon na magtataas ng presyo ang TEPCO sa regulated rates simula 2012, nang itaas nito ang presyo ng kuryente dahil sa naganap na trahedya noong Marso 2011.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!