今週の動画

65 PORSYENTO NG MGA KABATAAN SA JAPAN GUSTO MAGPAKASAL – SURVEY

Lumabas sa isinagawang survey ng Nippon Foundation sa 1,000 kabataan na 65 porsyento sa mga ito ang nais magpakasal habang nasa 17.4 porsyento naman ang walang balak magpakasal. Pumatak naman sa 16.5 porsyento ng mga kabataan na nasa edad 17 hanggang 19 ang siguradong magpapakasal sila balang araw.

Sa ulat ng Kyodo News, 47.3 porsyento ng 514 mga kalalakihan ang nagsabing naniniwala silang hindi sila maikakasal dahil wala silang partner o hindi makakahanap ng partner habang nasa 23.2 porsyento ang nagsabing wala silang sapat na pera para magpakasal. Sa 486 na mga kababaihan naman, 52.3 porsyento naman ang nagsabi na mas madali na mamuhay ng mag-isa o maging single.

Sa 1,000 respondents, nasa 36.9 porsyento naman ang ayaw magpalaki ng anak habang nasa 35.1 porsyento naman ang ayaw mawala ang kanilang kalayaan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!