今週の動画

JAPAN, PINAGHAHANDA SA MALAKAS NA PAGBAGSAK NG SNOW

Nagbigay ng babala ang Meteorological Agency sa mga mamamayan sa Japan na maging handa sa posibleng malakas na pagbasak ng snow at sobrang lamig na panahon simula Martes hanggang Huwebes.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, nagsimula nang bumagsak ang snow sa hilagang bahagi ng bansa kung saan maaari rin asahan ang pagkakaroon ng snowstorm.

Inaasahan na sa loob ng 24 oras, aabot sa 70 hanggang 100 sentimetro ang snow sa Niigata, 70 hanggang 100 sentimetro sa Hokuriku, 60 hanggang 80 sentimetro sa Tohoku at Kanto-Koshin, at 50 hanggang 70 sentimetro sa Kinki at Chugoku. Papatak naman sa 40 hanggang 60 sentimetro ang snow sa Tokai, 30 hanggang 50 sentimetro sa Hokkaido at hilagang bahagi ng Kyushu, at Kyushu, at 10 hanggang 20 sentimetro sa katimugang bahagi ng Kyushu.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!