KISHIDA NAIS IBABA ANG ANTAS NG COVID-19 SA PINAKAMABABA
Nais ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na ibaba sa Category V, ang pinakamababang antas ng COVID-19, sa bansa sa darating na tagsibol na kapareho ng kategorya ng seasonal flu.
Sa ulat ng Jiji Press, layon ni Kishida na ibalik na sa normal na pamumuhay ang bansa sa pamamagitan ng pagbabago sa mga polisiya at iba pang panuntunan sa bansa upang maibangon muli ang ekonomiya.
Plano rin ng gobyerno na baguhin ang panuntunan sa pagsusuot ng face mask sa loob ng mga gusali at establisiyimento. Sa kasalukuyan ay nasa Category II ang antas ng COVID-19 sa bansa, ang ikalawang pinakamataas na antas sa five-tier system.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”