MGA AMBULANSIYA SA JAPAN PAHIRAPAN MAKAHANAP NG PAGDADALHANG OSPITAL NG MGA PASYENTE
Aminado ang mga emergency officials sa Japan na nahihirapan ang mga staff ng ambulansiya na makahanap agad ng ospital na maaaring pagdalhan ng mga pasyente. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, umabot na sa 8,161 ang mga kaso noong nakaraang linggo hanggang Enero 15, mas mataas ng 603 mula sa naunang linggo.
Ani ng mga opisyal, umaabot ng tatlo hanggang apat na ospital ang kanilang kailangang tawagan bago maidala ang pasyente. Ito na umano ang isa sa pinakamalalang sitwasyon na kanilang naranasan bunsod ng tatlong taong pandemiya.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan