今週の動画

1995 KOBE EARTHQUAKE, POSIBLENG MAULIT SA LOOB NG 30 TAON

Maaaring muling makaranas ng malakas na lindol, na inihahalintulad sa “Great Hanshin-Awaji Earthquake” na naganap noong Enero 17, 1995, dahil sa 31 active fault zones ngayon sa Japan.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, sinasabi ng mga eksperto na maaari itong maganap sa loob ng 30 taon. Sa pag-aaral ng gobyerno, ang bawat active fault zones ay maaaring mas humaba pa ng 20 kilometro at maaaring magdala ng malaking pinsala kapag lumindol.

Sa kasalukuyan ay may 114 pangunahing active fault zones at 31 sa mga ito ay may tsansa na magdulot ng malakas na paglindol.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!