PAGSINGIL SA EXPRESSWAYS PAAABUTIN HANGGANG 2115
Plano ng transport ministry na pahabain ng 50 taon o hanggang 2115 ang pagsingil sa mga motorista na gumagamit ng expressways sa Japan dahil sa kakulangan umano ng pondo sa pagpapakumpuni ng mga lumang imprastruktura.
Sa ulat ng NHK World-Japan, dapat sana ay libre na ang pagdaan sa expressways pagdating ng 2050 ngunit dinagdagan ito ng gobyerno ng 15 taon. Subalit, nais ng mga ministry officials na habaan pang muli ng 50 taon ang extension sa paghingi ng singil.
Nakatakda umanong magsumite ang mga opisyal ng pag-amiyenda rito sa pagbubukas ng Diet bago matapos ang buwan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan