TOKYO PLANONG GAWING LIBRE ANG CHILD CARE SERVICES PARA SA MAY PANGALAWANG ANAK
Plano ng Tokyo Metropolitan Government na gawing libre ang child care services para sa may pangalawang anak simula Oktubre 2023 bilang solusyon sa patuloy na pagbagsak ng birthrate sa Japan.
Sa ulat ng Kyodo News, tinatayang 11 bilyon yen ang itatabi ng gobyerno para sa fiscal 2023 para sa 50,000 bata na pasok sa bagong plano na ito ng Tokyo. Magiging libre ang child care services para sa mga bata na nasa edad 0 hanggang dalawang taon ng walang kundisyon.
Ang hakbang na ito ay bilang pabuya para sa pamilya na magkakaroon ng mahigit sa isang anak matapos bumaba sa 800,000 ang bilang ng mga sanggol na naipanganak noong 2022 sa Japan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan