今週の動画

‘INFLUENZA OMIMAI-KIN’ INSURANCE POLICY INAALOK NA SA JAPAN

Maaari nang kumuha ang mga mamamayan sa Japan ng “Influenza Omimai-kin” (flu consolation payment), ang kauna-unahang insurance policy sa bansa na para sa pagkakasakit ng influenza na pwedeng bayaran sa pamamagitan ng Paypay.

Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, maaaring mamili sa tatlong plans ang mga nasa edad 20 pataas: 250 yen, 310 yen, at 360 yen kada buwan. Papatak naman mula sa 380 yen hanggang 1,090 yen kada buwan ang babayaran ng mga nasa edad 10 hanggang 19.

Sa ilalim ng insurance policy na ito, ang mga nagbabayad ay makakatanggap ng 3,000 yen, 5,000 yen o 7,000 yen depende sa kinuhang plan kapag nagkasakit ng flu at kailangang uminom ng gamot. Nasa 30,000 yen naman ang maaaring makuha ng mga maoospital ng dalawang araw at isang gabi o higit pa.

Nagsimulang ialok ang naturang insurance nitong Enero 11 at magtatapos sa Marso 22, at maaaring gamitin ito hanggang katapusan ng Abril.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!