今週の動画

JAPAN, NANANATILING MOST POWERFUL PASSPORT SA BUONG MUNDO

Sa limang magkakasunod na taon, nanguna ang passport ng Japan bilang pinakamahusay sa “passport index” na inilabas ng Henley and Partners, isang British consulting firm, noong Enero 10.

Sa ulat ng Asahi Shimbun, nanguna ang Japan mula sa 199 bansa at rehiyon batay sa bilang ng destinasyon na maaaring mapuntahan ng holders nito ng walang visa. Lumalabas na maaaring makapunta ang Japanese passport holders sa 193 ng 227 lungsod sa iba’t ibang bansa ng walang kinakailangang visa.

Pumangalawa naman ang South Korea at Singapore na maaaring makapunta sa 192 lungsod at sinundan ng Germany at Spain na nasa 190 lungsod. Pinagbatayan ng ahensiya ang tala ng International Air Transport Association (IATA).

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!