今週の動画

10 MILYONG MANOK KAKATAYIN DAHIL SA BIRD FLU

Nasa 10.08 milyong mga manok ang kinatay at kakatayin (as of January 10) dahil sa pinakamalalang kaso ng avian influenza sa bansa kung saan malubhang apektado ang mga poultry farms mula sa 23 prepektura sa Japan.

Sa ulat ng Asahi Shimbun, nagdeklara ng state of emergency si Agriculture Minister Tetsuro Nomura noong Enero 9 upang mabigyan ng solusyon ang epidemiya. Nagbabala rin si Nomura sa mga may-ari ng poultry farms na doblehin ang pag-iingat laban sa bird flu.

Ito na ang ika-57 beses na nagkaroon ng bird-flu outbreak simula panahon ng taglagas noong 2022. Ito rin ang unang beses na humigit sa 10 milyon ang kakatayin sa loob ng isang season.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!