PAGGASTA NG BAWAT KABAHAYAN SA JAPAN BUMABA SA 285,947 YEN DAHIL SA INFLATION
Tinatayang 1.2 porsyento ang ibinaba sa paggasta ng bawat kabahayan sa Japan noong Nobyembre 2022 kumpara noong 2021 dahil sa inflation kung saan pumatak sa 285,947 yen ang nagasta ng kabahayan na may dalawa o higit pa na miyembro, batay sa tala ng Internal Affairs and Communications Ministry.
Sa ulat ng Jiji Press, bumaba ang paggasta sa mga produktong pagkain ng 2.9 porsyento kumpara sa 0.4 porsyento noong Oktubre habang 8.2 porsyento naman ang ibinaba sa mga nakalalasing na inumin.
Pumatak naman sa 13.4 porsyento ang paggasta sa mga isda tulad ng tuna at salmon habang nasa 6.8 porsyento ang ibinaba sa paggasta sa tinapay at bigas. Ito na umano ang unang beses na bumaba ang paggasta ng bawat kabahayan sa loob ng anim na buwan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan