今週の動画

PAGTATAAS NG SAHOD NG MGA MANGGAGAWA ISUSULONG NI KISHIDA

Nanawagan si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa mga kumpanya sa Japan na itaas ang sahod ng kanilang mga manggagawa bunsod na rin nang pagtataas ng presyo ng bilihin dahil sa inflation.

Sa ulat ng Jiji Press, sinabi ni Kishida sa isinagawang press conference nitong Bagong Taon sa Ise sa Mie Prefecture na magandang mamuhunan sa kakayanan ng mga mangagawa sa pamamagitan nang pagtataas ng kanilang sahod.

Nangako rin si Kishida na magsasagawa ng reporma ang gobyerno upang mas matulungan ang mga manggagawa sa Japan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!