PAGBIBIGAY NG 5,000 YEN KADA BUWAN SA BAWAT BATA SA TOKYO, IPINAG-UTOS
Plano ni Tokyo Governor Yuriko Koike na magkaloob ng 5,000 yen kada buwan sa bawat isang bata, na hanggang edad 18, sa pamilya bilang suporta ng metropolitan government sa darating na fiscal year.
Ayon sa ulat ng Jiji Press, ipinag-utos ni Koike sa mga opisyal sa kanyang ibinigay na talumpati nitong Bagong Taon na isama ang benepisyong ito para sa budget plan ngayong fiscal 2023 na magsisimula ngayong Abril.
Ani Koike, nakakagulat ang pagbagsak ng bilang ng mga naipanganak noong 2022 na nasa 800,000 kaya nais niya na masolusyonan ito.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”