今週の動画

1 MILYON YEN KADA ANAK NA SUPORTA NG GOBYERNO MATATANGGAP NG PAMILYA NA AALIS NG TOKYO

Magbibigay ang gobyerno ng Japan ng isang milyon yen kada anak sa mga pamilya na nais lumipat sa ibang rehiyon mula sa Tokyo simula ngayong Abril. Ang hakbang na ito ay upang mabawasan ang lumalaking populasyon sa kapital ng bansa.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, tumaas ng 700,000 yen ang suporta na ibibigay ng gobyerno na dati ay papatak lamang sa 300,000 yen kada anak. Ang mga residente na nasa 23 wards ng Tokyo kabilang na ang Saitama, Chiba at Kanagawa prefectures ang pasok sa pamantayan ng relokasyon.

Ang mga magbabalak na umalis ng Tokyo ay kailangang manirahan sa ibang rehiyon ng hanggang limang taon kundi ay kailangan nilang ibalik ang suporta na ibinigay sa kanila ng gobyerno.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!