今週の動画

MAHIHIRAP NA PAMILYA SA JAPAN NAKATANGGAP NG ‘FOOD-SUPPORT BOXES’

Tinatayang 5,000 pamilya ang nabigyan ng food-support boxes ng Save the Children, isang international nongovernmental organization na tumutulong sa mga bata, nitong nakaraang buwan ng Disyembre.

Ayon sa ulat ng Asahi Shimbun, paraan ito ng organisasyon na makatulong sa mga naghihirap na pamilya bunsod ng pandemiya at ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado gaya ng pagkain at iba pang pangangailangan sa pang-araw-araw.

Naglalaman ang food-support boxes ng 40 uri ng pagkain tulad ng bigas, instant soup, rice cakes at iba pa na donasyon ng halos 30 kumpanya sa bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!