今週の動画

MATAAS NA BILANG NG PANG-AABUSO NG MGA CAREGIVERS SA JAPAN, NABUNYAG

Nabunyag sa isinagawang survey ng health ministry ang pagtaas ng bilang ng pang-aabuso ng mga healthcare workers sa mga nursing facilities sa Japan.

Sa ulat ng Asahi Shimbun, pumatak sa 739 ang mga kaso ng pang-aabuso ngayong taon, mas mataas ng 24.2 porsyento kumpara noong 2021.

Umabot umano sa 1,366 ang mga matatandang inaabuso nang pisikal, sikolohikal at pagpapabaya. Dagdag pa ng health ministry, tumataas din ang bilang ng mga kaso dahil mas marami na ang nahihikayat na mag-report sa mga awtoridad.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!